Bayong….

Bayong

Habang abala ang mga kamay ng bawat isa sa amin dito sa opisina, ang aming tenga’y abala rin sa pakikinig ng mga awitin mula sa radyo. Nakuha ng DJ ang aking atensiyon nang bigkasin niya “Nasaan na nga ba ang mga bayong?” Ayon sa kanya, ang bayong ang ginagamit noong araw upang pagsidlan ng mga pinamili sa palengke sa kadahilanang ito ay malaki. Ang bayong ay napalitan ng plastic…. Nasaan na ang bayong?

Saan na nga ba napunta ang mga bayong? Maging sa aming baryo ay hindi ko na ito gaanong nakikitang gamit ng sa pamamalengke. Kung dito ka naman sa siyudad, diyahe namang gamitin… kasi hindi uso at magmumukha kang promdi. Maraming dahilan ang maaaring maisip kung bakit biglang hindi na ginagamit ang bayong maging ng mga matatanda. Nang marinig ko ang tanong na ” Nasaan na ang bayong”,  nangiti ako sa unang pumasok sa aking isip, “itinago ni lola kasi nahihiya siya na bayong ang dalhin sapagkat malamang sa mahal ng bilihin, baka hindi nga mangalahati ang laman ng kanyang bayong sa kanyang pag-uwi mula sa palengke.”

Sa ngayon ay nais ibalik ang paggamit sa bayong , naiisip ko lang kung sakaling ang bawat mamimili ay magdadala ng bayong… pagkasikip sikip na naman nito sa jip.

About these ads
Posted in Uncategorized

One thought on “Bayong….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s